Lunes, Agosto 25, 2014

WIKANG FILIPINO AY GAMITIN TUNGO SA IISANG MITHIIN




       Ang wika ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura.Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan.Sa Pilipinas,ang ginagamit natin ay ang Wikang Filipino.Ito ang bumubuklod sa ating mamamayang Pilipino sa Luzon,Visayas,at Mindanao .Kasalukuyang pangyayari ang magbibigay daan para mabuhay ang Wikang Filipino.Ang pagkakaroon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng mga epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay;noon,ngayon o kasalukuyan at bukas.
         Sa pagsisimula ng paggamit  ng mga Pilipino ng Wikang Filipino sa unang panahon ,binubuhay nito ang sibilisasyon.Nagkais ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa ,sa atin at pati narin sa nakakarami.Nagkaintindian ang bawat pangkat ng tao,dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan at nauunawaan ng lahat.Mas mabilis ang naging daan para mas dumami ang ideya ot opinyon ng bawat mamamayan sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat .Nagbigay daan sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang ibat't-ibang kultura at paniniwala.At higit sa lahat,napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala .Sa kasalukuyang henerasyon mas laganap ang paggamit ng Wikang Filipino.Madami ang naging programa para mas maipalaganap ang Wikang Filipino,ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno.Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng Wikang Filipino.Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindian at maunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika.Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang ating wika.
          Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa.Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura,tradisyon at paniniwala.Mahalaga na ito'y pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon.Isang Wika,para sa iisang bansa at ang ating bansang Pilipinas ay ating itaas,ipagmalaki at magkaisa para sa ikakaunlad ng ating bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento